Inspirasyon

Nalulungkot, nagmumukok, tila may kumukubling takot
Nagiisip, tumatangis, tila may hinahanap at laging ninanais
ang makita, makasama, ka sa tuwina
ang syang tunay, sa kin ay nagpapasaya
Kapag ikaw ang naiisip, lungkot at hinagpis ay napapawi
at ako'y lagi na lang napapangiti
mga hindi malilimutang nakaraan,
di nakakasawang ito ay balik-balikan
ikaw ang inspirasyon ko!
ang inspirasyon ng buhay ko!
di magbabago kailanman
ang malapitan ka at maisakatuparan....
Mali man na mabuhay sa nakaraan
ito'y hindi ko pagsisisihan
ito'y nagbibigay sa kin ng buhay
at pag-asang balang araw ay muling makakamtan
At kung sa bandang huli hindi na muling magtagpo
ang nais at layaw ng aking isip at puso
mananatili ka pa rin sa buhay ko
ikaw ang inspirasyon ng buhay ko.....!!!!
Comments