Posts

Showing posts from September, 2009

Inspirasyon

Image
Nalulungkot, nagmumukok, tila may kumukubling takot Nagiisip, tumatangis, tila may hinahanap at laging ninanais ang makita, makasama, ka sa tuwina ang syang tunay, sa kin ay nagpapasaya Kapag ikaw ang naiisip, lungkot at hinagpis ay napapawi at ako'y lagi na lang napapangiti mga hindi malilimutang nakaraan, di nakakasawang ito ay balik-balikan ikaw ang inspirasyon ko! ang inspirasyon ng buhay ko! di magbabago kailanman ang malapitan ka at maisakatuparan.... Mali man na mabuhay sa nakaraan ito'y hindi ko pagsisisihan ito'y nagbibigay sa kin ng buhay at pag-asang balang araw ay muling makakamtan At kung sa bandang huli hindi na muling magtagpo ang nais at layaw ng aking isip at puso mananatili ka pa rin sa buhay ko ikaw ang inspirasyon ng buhay ko.....!!!!